MANILA, Philippines — Niyanig ng malakas na magnitude 5.9 na lindol ang Mindanao, bagay na ramdam sa maraming lugar lalo na sa Davao de Oro, ayon sa state seismologists.
Ayon sa Phivolcs, Martes, bandang 2:02 p.m. nang tumama ang lindol. Naitala ang epicenter nito 13 kilometro hilagangkanluran ng Maragusan, Davao de Oro.
Umabot sa sumusunod na intensities sa mga sumusunod na lugar sa ngayon:
Intensity V (strong)
- Maco, Maragusan, Nabunturan, New Bataan, and Pantukan, Davao de Oro
Intensity IV (moderately strong)
- Monkayo, Davao de Oro
- City of Tagum, Davao del Norte
- City of Bislig, Surigao del Sur
Intensity III (weak)
- Santa Cruz, Davao del Sur; City of Davao
- City of Mati, Davao Oriental
Intensity II (slightly felt)
- City of Cagayan De Oro
- Antipas, Carmen at City of Kidapawan, Cotabato
- Columbio, Sultan Kudarat
Intensity I (scarcely perceptible)
- Aleosan, Cotabato
- Esperanza, Lutayan, at President Quirino, Sultan Kudarat
Inaasahan ng Phivolcs sa ngayon ang mga pinsala at aftershocks dulot ng nasabing pagyanig ng lupa.
Ayon sa ulat ng dzBB, ilang daan ngayon patungong Maragusan ang hindi pa madaanan dahil sa pagguho ng lupa lalo na sa Brgy. Katipunan, maliban sa ilang lugar sa national highway.
Ilang rockslides din ang naitala sa Brgy. Tandauan ng New Bataan.
Wala pa namang inilalabas na "tsunami warning" sa ngayon ang ga eksperto kaugnay nito, bagay na binabantayan kung raragasa ang tubig papunta sa lupa dulot ng lindol.