TNVS groups: Pagpapagaan ng rekisitos sa franchising lilikha ng trabaho

MANILA, Philippines — Positibo ang Transport Networking Vehicle Service (TNVS) groups na malaki ang maitutulong ng pagpapagaan ng rekisitos sa franchising upang lumikha ito ng mas marami pang trabaho para sa mga Pilipino.

Ang sentiyemento ng pinakamalaking alyansa ng TNVS groups sa bansa ay ipinarating ng mga ito sa mga mambabatas ng Kamara.

Samantala pinapurihan ng TNVS ang streamlining sa proseso para makakuha ng prangkisa ng behikulo sa Certificate of Public Convenience (CPC).

Una rito, inianunsyo ng Land Transport Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hindi na nito oobligahin na magbigay ng COC ang mga TNVS para makakuha ng vehicle franchise, ng rekisitos na ipinatutupad ng regulatory body bilang sanhi ng pagkakaantala at dismissal ng aplikasyon base sa resolusyon na inisyu naman noong Marso 3.

Ang COC ay iniisyu ng bangko at pinansyal na institusyon na inoobliga ng LTFRB sa CPC applications sa mga kaso kung saan ang mga behikulo ay hindi pa nababayaran ng buo.

Sa facebook post, pinasalamatan ni TNVS Community at TNVS Alliance PH Chairperson Aylene Paguio si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III at mga miyembro ng LTFRB Board sa pagtalima sa panawagan na pagaanin ang proseso ng paga-apply sa bagong Certificate of Public Convenience (CPC) para sa mga units.

“With this favorable development, our dream of reliably serving the riding public and generating more jobs for the Filipinos with ease is a step closer to turning into reality,” ani Paguio.

Show comments