^

Bansa

Lungsod sa Negros Occidential 'state of emergency' sa amoebiasis

James Relativo - Philstar.com
Lungsod sa Negros Occidential 'state of emergency' sa amoebiasis
Satellite image ng San Carlos City, Negros Occidental mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Mag-iimbestiga ngayon ng Department of Health (DOH) sa San Carlos City, Negros Occidental matapos magdeklara ng lungsod ng isang "state of health emergency" kaugnay biglaang pagtaas doon ng kaso ng amoebiasis — isang uri ng sakit ng dulot ng maruming tubig.

Ika-22 ng Pebrero lang nang ibaba ni San Carlos City Mayor Renato Gustilo ang Executive Order 79, series of 2023 kaugnay ng pagkalat ng nasabing karamdaman sa lugar.

"Actually ngayon lang ho namin na-monitor that San Carlos City did declare this state of emergency sa kanilang lugar," ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Martes, sa isang media forum kanina.

"Vine-verify pa po namin ang kaso. the cases started this February in San Carlos City. And nakita po natin, unti-unti, lumalaki ang kanilang kaso. Meron ho silang total of 189 cases ngayon."

"Kapag kinumpara natin in the previous year, wala po silang kaso ng amoebiasis."

 

 

Teka, ano ba 'yung amoebiasis?

Ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention, tumutukoy ang amoebiasis sa isang uri ng karamdaman na idinudulot ng one-celled parasite na Entamoeba histolytica.

Bagama't pwede itong maipasa sa kahit na sinong tao, madalas itong makita sa mga taong nakatira sa tropical areas na may "poor sanitary conditions."

Pwedeng mahawaan ang mga taong maglalagay ng anumang bagay sa kanilang bibig na dumikit sa dumi ng sinumang infected nito. Pwede rin itong maipasa sa pamamagitan ng tubig o pagkain na kontaminado ng E. histolytica.

Maaari rin itong ma-contract ng mga makalulunok ng mga E. histolytica cysts (eggs) dahil sa mga kontaminadong surfaces o daliri.

"Only about 10% to 20% of people who are infected with E. histolytica become sick from the infection. The symptoms are often quite mild and can include loose feces (poop), stomach pain, and stomach cramping," wika ng US CDC.

Amebic dysentery is a severe form of amebiasis associated with stomach pain, bloody stools (poop), and fever. Rarely, E. histolytica invades the liver and forms an abscess (a collection of pus). In a small number of instances, it has been shown to spread to other parts of the body, such as the lungs or brain, but this is very uncommon."

Imbestigasyon kailangan pa rin

Sa kabila nito, pinakalma muna ni Vergeire ang publiko lalo na't dapat pa rin daw magkaroon ng pag-aaral sa mga kaso ngayon sa San Carlos City bilang pagbeberipika.

"Pero kailangan din natin i-qualify dahil hidni naman po lahat ng nagkaroon ng pagtatae doon ay they were found to have amoebiasis," dagdag pa ng DOH official.

"Meron pong iba na ang resulta ay e. coli, may iba ay ibang organismo naman ang nakita. These were not all amoebiases cases, just to clarify."

"Kailangan po naming balikan. We are now sending our team here from the epidemiology beureau to go to our Region 6 para matulungan ang aming Regional Epidemiology and Surveillance units. They will go to San Carlos City tomorrow to verify this event."

Pagpapaalala rin ni vergeire, may polisiya rin daw ang local government units kung saan dapat silang dumaan sa DOH upang magabayan at matiyak ang mga kaso bago magdeklara ng anumang state of emergency.

Makikipag-usap na rin daw ang kagawaran sa mga opisyal ng naturang pamahalaan upang ma-verify ang sitwasyon doon.

AMOEBIASIS

DEPARTMENT OF HEALTH

ILLNESS

NEGROS OCCIDENTAL

SAN CARLOS CITY

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with