^

Bansa

Pera, pabuya sa drug tipster – PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pera, pabuya sa drug tipster – PNP
Inihayag ito ni PNP-Public Information Office chief information Col. Redrico Maranan sa kabila ng pagbubunyag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Virgilio Moro Lazo na may umiiral na pagbibigay ng 30% ng nasamsam na droga sa tipsters sa matagumpay na buy-bust operation.
Walter Bollozos / File

‘Di recycle na droga

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na pera at hindi ‘recycle’ na droga ang pabuya sa mga tipster kasabay ng kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

Inihayag ito ni PNP-Public Information Office chief information Col. Redrico Maranan sa kabila ng pagbubunyag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Virgilio Moro Lazo na may umiiral na pagbibigay ng 30% ng nasamsam na droga sa tipsters sa matagumpay na buy-bust operation.

Ayon kay Maranan, illegal ang ganitong sistema dahil nagsisilbing ebidensiya ang mga nakukuhang droga sa operasyon na isinusumite sa korte.

Dagdag pa ni Maranan, walang saysay ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga kung paiiralin ang sistema ng pabuya sa mga tipster.

Sa ngayon aniya, puspusan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga drug syndicate gayundin sa mga drug pusher at user.

Sinabi ni Maranan na sa panig ng PNP, mayroon silang reward valuation system kung saan ang monetary amount na ibibigay sa mga tipsters ay nakadepende sa kanilang kontribusyon sa tagumpay ng anti-illegal drugs operations. 

DRUGS

PNP

REWARD MONEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with