^

Bansa

Marcos dadalo sa PMA Alumni Homecoming

Butch Quejada, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa unang pagkakaton bilang Pangulo ng bansa, dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw sa Alumni Homecoming ng Philippine Military Academy sa Baguio Ciy.

Alas-9 ngayong umaga inaasahang darating ang Pangulo sa Fort Del Pilar kung saan didiretso siya sa Longayban Hall para sa guest book signing bago magtungo sa Grandstand para sa programa.

Si PMA Superintendent, Lt. Gen. Rowen Tolentino ang magbibigay ng Welcome Remarks na susundan ng awarding ceremony.

Pangungunahan ni Marcos ang pagbibigay ng awards na kinabibilangan ng Lifetime Achievement Awards, Cavalier Awardees, Pandemic Heroes Awardees, Diamond Jubilarians (Class 63), Golden Jubilarians (Class 73) at Silver Jubilarians (Class 98).

Isasagawa rin ang oath-taking ng mga bagong PMAAAI Board of Directors na susundan ng talumpati ni Marcos.

Ang PMA alumni homecoming ay tradisyunal na ginagawa ng mga nagtapos sa akademya taun-taon.

FERDINAND MARCOS

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with