^

Bansa

Food stamp program, balak ibalik ng DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Food stamp program, balak ibalik ng DSWD
Ayon kay Gatchalian, ang hakbang ay reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noog nagdaang buwan na nagsasabing may 3 milyong pamilya ay nakakaranas ng kagutuman.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Plano ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibalik ang food coupon program sa ahensiya upang mapababa ang problema sa pagkagutom ng  maraming mahihirap na Pinoy.

Ayon kay Gatchalian, ang hakbang ay reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noog nagdaang buwan na nagsasabing may 3 milyong pamilya ay nakakaranas ng kagutuman.

Anya, ang problema sa kahirapan ay hindi mabilis masolosyunan pero ang pagkalam ng sikmura dulot ng pagkagutom ay mabilis na maresolba sa pamamagitan ng pagkakaloob ng makakain sa hapag kainan ng bawat pamilyang Pilipino.

Sinabi nito na kinakausap na niya ang mga undersecretaries ng DSWD para sa posibleng pagbabalik ng food stamp program sa koordinasyon ng pribadong sektor para matamo ang tagumpay ng naturang programa.

Ayon pa kay Gatcha­lian, itutuloy niya ang ipinatutupad na digitalization sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan na unang ginawa ni dating DSWD secretary Erwin Tulfo.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with