Pagiging ‘homosexual’ hindi krimen – Pope Francis
MANILA, Philippines — Nanawagan ngayon si Pope Francis sa lahat ng opisyales ng Simbahang Katoliko na baguhin na ang pagtrato sa “homosexuality” na iginiit niyang hindi isang krimen.
Sa panayam ng Associated Press sa Vatican kay Pope Francis, tinukoy niya partikular ang mga obispo na dapat mas maging “welcome” sa kanila ang mga “homosexuals” at magpakita ng karampatang respeto.
“We are all children of God, and God loves us as we are and for the strength that each of us fights for our dignity,” ayon kay Pope Francis.
“Homosexuality ‘is not a crime,’” dagdag pa niya.
Pero binanggit din niya na isa itong kasalanan, saka idinagdag na isa ring kasalanan ang kawalan ng “charity” o pagtulong ng tao sa isa’t isa lalo na sa mga nangangailangan.
Ipinaliwanag ni Pope Francis na kailangang kumilos ang Simbahang Katoliko sa pagwakas sa mga batas sa ibang bansa na nagtatakda na isang krimen ang “homosexuality” at matindi ang diskriminasyon sa kanilang komunidad.
Sa kasalukuyan, patuloy na tumatanggi ang Simbahang Katoliko sa “same-sex marriage” sa kanilang mga simbahan dahil sa hindi umano maaaring i-bless ng Diyos ang isang kasalanan.
- Latest