MANILA, Philippines — Binigyang pagkilala ng Malacañang ang kabayanihan ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office, hindi kailanman kinakalimutan ng Palasyo ang sakripisyo ng SAF 44 na mananatiling inspirasyon ng bawat Filipino.
Matatandaan na target ng Oplan Exodus na arestuhin ang international terrorist bomber na si Zulkifli Abdhir alias “Marwan”.
Dito naka-engkuwentro ng SAF forces ang mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Sitio Tukanalipao.
Napatay ng mga bayaning SAF troopers si Marwan ngunit naging kapalit nito ang buhay ng 44 SAF heroes.