MANILA, Philippines — Daan-daang libong katao na ang apektado habang nananatiling 10 ang patay dulot ng mga pag-ulan, pagbaha atbp. dala ng low pressure areas, shear line at Hanging Amihan na umiiral sa Luzon, Visayas at Mindanao simula ika-2 ng Enero.
Ito ang ibinahagi ng Office of Civil Defense, Huwebes, ngayong pumalo na sa 438,622 katao ang nasalanta ng nasabing sama ng panahon:
Related Stories
- patay (10)
- sugatan (4)
- nawawala (2)
- lumikas (8,153)
Ang mga nabanggit ay sinasabing nagmula sa sumusunod na lugar:
- Cagayan Valley
- Central Luzon
- CALABARZON
- MIMAROPA
- Bicol Region
- Western Visayas
- Eastern Visayas
- Zamboanga Peninsula
- Davao Region
- Soccsksargen
- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
Kanina lang nang sabihin ng PAGASA na ang LPA sa loob ng Philippine area of responsibility ay maaaring magdulot pa ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Pilipinas matapos nitong mamataan 380 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
State of calamity sa mas maraming lugar
Dahil pa rin sa sungit ng panahon, nananatiling nasa P153.06 milyong halaga ng pinsala kamakailan sa imprastruktura.
Kaugnay nito, nasa P111.73 milyon naman ang cost of damage na naidulot na sa mga lugar sa itaas.
Mahigit 492 kabahayan naman na ang napipinsala ngayon habang 25 kalsada at tulay naman ang hindi magamit ng publiko.
Itinaas na tuloy ang state of calamity ngayon sa mga sumusunod na lugar, dahilan para magpatupad ng automatic prize freeze sa mga batayang pangangailangan:
- Tubod, Lanao del Norte
- San Miguel, Leyte
- Dolores, Eastern Samar
"Assistance worth P26,681,252 were provided to affected population," wika pa ng OCD sa isang pahayag kanina.
"Search and Rescue teams and operations [are] deployed and ongoing."