^

Bansa

Higit 3K kaso ng leptospirosis naitala sa bansa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit 3,000 kaso ng leptospirosis ang naitala sa buong bansa.

Sa pinakahuling ­Disease Surveillance Report ng DOH, mayroong 3,234 kaso ang naiulat mula Enero 1 hanggang Nobyembre 12, 2022.

Mas mataas ito ng 84 porsyento kumpara sa 1,754 kaso sa parehong panahon noong 2021.

Nangunguna ang National Capital Region, 735; Western Visayas, 402; at Cagayan Valley, 344.

May pinakamalaking pagtaas naman ng mga kaso ang SOCCKSARGEN (767%; 3 hanggang 26), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (550%; 2 hanggang 13) at Eastern Visayas (435%; 17 hanggang 17). 91).

Ang mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng namamatay ay ang NCR (81), W. Visayas (63) at Central Luzon (47).

Ang leptospirosis, ayon sa World Health Organization (WHO), ay isang bacterial disease na nakakaapekto sa kapwa tao at hayop.

Nangyayari ang impeksyon sa tao sa pamamagitan ng direktang kontak sa ihi ng mga nahawaang hayop o sa kapaligirang kontaminado ng ihi.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasang tumawid sa mga lugar na binaha. Kung hindi ito maiiwasan at ang tao ay may open wounds, dapat magpakonsulta sa pinakamalapit na health center at kumuha ng post-exposure prophylaxis para sa lep­tospirosis.

DISEASE SURVEILLANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with