Kursong agrikultura, iaalok na sa Pagadian City
MANILA, Philippines — Mag-uumpisa nang mag-alok ng kursong agrikultura ang Pagadian City International College (PCIC) upang tumugma sa mga pangangailangan ng siyudad partikular sa produksyon ng pagkain, ayon kay Pagadian City Mayor Sammy Co.
Naitatag ang PCIC sa pamamagitan ng Ordinance 2021-479 na pinirmahan ni Co noong Agosto 2021. Galing ang pondo at pamamahala nito sa executive budget ng siyudad.
Para hindi makipagkumpitensya sa mga pribadong unibersidad sa siyudad, nag-aalok ang PCIC ng mga kurso na hindi normal na ibinibigay kabilang ang BS Multimedia Arts, BS Public Administration, BS Tourism Management at BS/Diploma on Midwifery.
Plano rin ni Co na magbigay ng dagdag na mga kurso tulad ng public administration, midwifery, tourism management, mga vocational-technical courses, at iba pa na kinakailangan ng Pagadian City para mapunan ang pangangailangan nila sa manpower.
Nakalinya na rin umano ang kurikulum nito sa “food security trust” ni Pangulong Bongbong Marcos para sa bansa.
“Sabi ng Presidente kailangan nating lahat magtanim, magtanim at magtanim para magkaroon ng sapat na pagkain sa ating mga lamesa at pera sa ating bulsa. Sinusuportahan ng city government ang naturang inisyatibo,” dagdag pa ni Mayor Co.
- Latest