^

Bansa

Mga babaeng estudyante ‘di exempted sa mandatory ROTC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga babaeng estudyante âdi exempted sa mandatory ROTC
Students of Benguet State University in La Trinidad, Benguet observe health protocols as they attend their Reserve Officers' Training Corps (ROTC) training on Friday (September 30, 2022).
STAR/Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Tiwala si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na aaprubahan ng Kongreso ang panukalang mandatory Reserved Officer Training Corp (ROTC) sa kolehiyo sa unang tatlong buwan ng 2023.

Ayon kay Dela Rosa, pursigido siya at maging ang mga kasamahang Senador na gawing mandatory ang ROTC, bukod pa dito sertipikado rin umano ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukala bilang urgent measure na mensahe sa kongreso na gawin itong prayoridad.

Nilinaw naman ng Senador na hindi kakayanin na maihabol ang pagsasabatas nito ngayong taon dahil mag a-adjourn na ang Kongreso sa Disyembre 17.

Sa ilalim ng panukala ay oobligahin ang lahat ng nasa kolehiyo sa first at second year college students na sumailalim sa military training at civic duty tulad ng ­paghahanda at pagtugon tuwing may kalamidad at sakuna.

Paliwanag pa ni Dela Rosa na hindi exempted ang mga babae dahil walang pinipili ang mga bala at dahil ipinapaglaban din ang gender equality ngayon.

Siniguro naman niya na lalagyan ng meka­nismo ang panukala para maprotektahan ang mga babae sa pang-aabuso.

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with