MANILA, Philippines — Papayagan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang optional na pagsusuot ng face maskslaban sa COVID-19 sa lugar ng trabaho kahit sa indoor settings, ito matapos maglabas kagawaran ng mga panuntunan kaugnay nito.
Sa kanilang Labor Advisory 22, Miyerkules, inilinaw ng DOLE ang guidelines patungkol sa "voluntary wearing of masks in workplaces." Ito'y kasunod pa rin ng pinirmahang Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Related Stories
"This Advisory shall cover all workers and workplaces in the private sector," wika ng dokumentong pinirmahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma noong Miyerkules.
"The wearing of face masks in workplaces shall be voluntary."
Naglabas ng guidelines ang Department of Labor and Employment kaugnay sa pagsusuot ng face mask sa workplaces. #News5 | via @JCCosico
— News5 (@News5PH) November 2, 2022
????: DOLE-Bureau of Local Employment pic.twitter.com/20EvLya7MQ
Sa kabila nito, obligado pa rin ang lahat ng mga manggagawa't empleyado na mag-face masks sa loob ng:
- healthcare facilities (clinics, hospitals, laboratories, nursing homes, dialysis clinics)
- medical transport vechicles gaya ng ambulansya at paramedic rescue vehicles
- pampublikong transportasyon
Ineengganyo pa ring magsuot ng face masks ang mga bulnerableng sektor kabila na ang:
- nakatatanda
- immunocompromised
- hindi bakunado laban sa COVID-19
- may sintomas ng COVID-19
- mga may comorbidities
- buntis
Maaari ring magpatupad ang employers at kanilang mga tauhan ng patakarang nag-oobliga sa face masks lalo na kung isinasang-alang-alang ang peligro sa mga enclosed spaces, poor ventilation. Pwede ring dahilan ang industry requirements gaya ng food safety at kung magkaroon ng kaso ng nakahahawang sakit gaya ng trangkaso at tuberculosis.
"Employers and their workers have a shared responsibility to ensure safe and healthful working conditions in accordance with the provisions of the Labor Code of the Philippines, as amended, Republic Act No. 11059, and minimum public health standards," dagdag pa ng DOLE.
Ika-1 lang ng Nobyembre nang ibalita ng Department of Education na gagawin na lang ding boluntaryo ang pagsusuot ng face masks sa mga paaralan kahit na sa mga indoor facilities, bagay na hindi kinontra ng Department of Health.
Ito'y kahit na hindi pa pwedeng bakunahan laban sa COVID-19 ang mga estudyanteng 4-anyos pababa. Ang lahat ng ito ay nangyayari ngayong nakapasok na ng Pilipinas ang mas nakahahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant.
Aabot na sa 4 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula noong 2020. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 64,145 katao.