ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Handa na ang bayan ng Cajidiocan sa muling pagdiriwang sa October 24 ng Commemoration ng Battle of Sibuyan Sea na naganap sa Romblon noong 1944, panahon ng World War II.
Sa panayam ng Romblon News Network kay Cajidiocan Mayor Greggy Ramos, sinabi ng alkalde na mahalaga ang pagalaala sa nangyaring digmaan dahil sa ipinamalas na kagitingan ng mga sundalong Amerikano, Pilipino at Hapon.
Aniya, bilang bahagi ng pagdiriwang ay magkakaroon ng Banal na Misa ng Pasasalamat sa munisipyo.
Inaasahang magbibigay rin ng testimonya ang mga beterano ng digmaan maging ang mga naging saksi sa Cajidiocan.
Sinabi rin nito na idedeklara nito na half-day ang pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno sa darating na Lunes.
Ang Commemoration ng Battle of the Sibuyan Sea ay taunang pinagdiriwang bilang paggunita sa mga nangyari noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig kung saan nagpamalas ng kagitingan noong 1944 ang mga sundalong Amerikano at Pilipino laban sa mga Hapon na nagkaroon ng matinding sagupaan sa Sibuyan Sea.
--
Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com