^

Bansa

'Walang batayan': Marcos Jr. sinopla panawagang mag-resign si Remulla

James Relativo - Philstar.com
'Walang batayan': Marcos Jr. sinopla panawagang mag-resign si Remulla
Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binuksan ngayong araw, ika-14 ng Oktubre, ang 8th Annual Balik Scientist Program (BSP) Convention. Ang BSP na naitatag noong 1975 at napagtibay sa pamamagitan ng Balik Scientist Act ng 2018, ay may layuning pabalikin ang mga dalubhasang Pilipino sa bansa at paigtingin ang kaalaman sa agham at teknolohiya para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.
Mula sa website ng Office of the Press Secretary

MANILA, Philippines — Pinalagan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga panawagang magbitiw na si Justice Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla, ito matapos maaresto ang kanyang anak na si Juanito Jose Remulla III dahil sa high-grade marijuana.

Huwebes lang kasi nang aminin ni Remulla — na pabor bitayin ang mga may kaso kaugnay ng droga — na nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kanyang anak dahil sa halos isang kilo ng "kush." 

"I think the calls for him to resign have no basis. You call for somebody to resign if he’s not doing his job or that they have misbehaved in that job," sabi ng presidente, Biyernes.

"[H]e has done quite the contrary. He has taken the very proper position that he is recusing himself from any involvement in the case of his son."

Kahapon lang nang sabihin ng kalihim ng Department of Justice na meron pa rin siyang "unconditional love" para sa kanyang anak. 

Gayunpaman, hahayaan daw niyang harapin ni Juanito ang kanyang kaso. Hindi rin daw niya pakikialaman ang kasasapitan ng 38-anyos nyang anak.

Sinasabing haharap si Juanito sa "life imprisonment," bagay na parusa sa importation ng illegal narcotics. Una nang sinabi ni PDEA director Derrick Carreon na nagkakahalaga ng P1.25 milyon ang marijuana na nasabat na naka-address sa nakababatang Remulla mula California.

"And I think that being the Secretary of Department of Justice he’s very aware that he must allow the processes of the judiciary to work properly and that no one in the executive should interfere," sabi pa ni Marcos Jr.

Cavite Gov. Remulla 'ie-expose' kamag-anak na makikialam 

Sa isang pahayag kahapon, sinabi naman ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang hindi rin makialam ang kanilang kampo sa kaso ng kanyang pamangking buo.

"I personally feel that while he deserves all of my empathy, there will be no support extended in terms of using my position in government. While he is family, my oath as Cavite Governor and as a Public Servant is paramount above any of his alleged transgressions," sabi ng gobernador.

"If in any way, any family member who tries to influence the prosecution of this case then I will make sure to expose the matter right way. We will not tolerate an abuse of authority in any way."

Pinasasalamatan naman ni Jonvic ang PDEA sa paggampan ng kanilang tungkulin, lalo na't hindi sila sinabihan patungkol sa kanilang operasyon noon. Aniya, tama lang na ito ang ginawa upang makapagtrabaho sila ng walang takot.

Pagbabahagi niya pa, ngayong araw uuwi si Boying mula Geneva habang labis na naghihinagpis ang kanilang inang 87-anyos.

Ang lahat ng ito ay nangyayari sa kabila ng libu-libong napatay na drug suspects sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang marami sa mga nabanggit ay napaslang nang walang due process, sabi ng mga kritiko at human rights groups.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

BOYING REMULLA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JONVIC REMULLA

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with