^

Bansa

DOH: Tigdas 'outbreak' posible sa 2023 kung vaccination rates mababa pa rin

James Relativo - Philstar.com
DOH: Tigdas 'outbreak' posible sa 2023 kung vaccination rates mababa pa rin
A child reacts during a Philippine Read Cross Measles Outbreak Vaccination Response in Baseco compound, a slum area in Manila on February 16, 2019. A growing measles outbreak in the Philippines killed at least 25 people last month, officials said, putting some of the blame on mistrust stoked by a scare over an anti-dengue fever vaccine.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng "outbreak" ng measles o tigdas sa Pilipinas kung magpapatuloy na mababa ang bilang ng mga batang nagpapabakuna, babala ng Department of Health (DOH) ngayong Martes.

Ito ang ibinahagi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing kanina. Aniya, nasa 62.9% lang ngayon ang coverage ng mga "fully immunized children" (FIC), kahit na 95% sana ang target ng gobyerno.

"[L]ahat po ng mga bata naman na hindi naka-receive ng kahit na anong doses ng measles vaccine, kasi dalawang beses po 'yan ibinibigay sa ating mga kabataan, ay nasa almost 3 million na mga kabataan," ani Vergeire.

"Kaya po nagfla-flag at nagwa-warn po ang  WHO at UNICEF sa atin na kailangan nating paigtingin ang routine immunization because there might be an impending outbreak of measles in the country by next year if we not not going to do anything."

Ang bakuna laban sa tigdas, na nangangailangan ng dalawang doses, ang huling gamot na ibinibigay sa bata para sila'y maituring na "FIC."

Kung titignan daw ang mga datos ngayon, bumaba pa raw ito kumpara noong mga nakaraang taon.

Noong taong 2018, umabot sa 140,000 measles deaths ang naitala sa buong mundo kahit na meron nang mga bakuna. Karamihan sa kanila ay lima anyos pababa, ayon sa World Health Organization (WHO).

"In our latest meeting with our international partners such as [WHO] and UNICEF, base sa ating mga datos they were able to analyze, and ang atin pong... mga bata na wala kahit isang mga bakuna... dito sa ating bansa for these past two years of the pandemic is almost 1 million," wika pa ni Vergeire.

'Hindi lang pag-aalinlangan sa bakuna kalaban'

Idiniin naman ng DOH na hindi lang vaccine hesitancy ng mga magulang ang dahilan ng pagbaba ng mga nagpapabakuna sa bata, kundi pati ang mga nagdaang COVID-19 lockdown restrictions nitong mga nagdaang panahon.

"And because of these restrictions, the lockdowns, hindi po masyado nakakalabas ang ating mga nanay para pabakunahan ang kanilang mga anak," sabi pa ni Vergeire.

"This is one of the things that we are trying to strengthen right now. 'Yung routine immunization."

Bagama't nariyan pa ang hesitancy, tiwala ang DOH na mababawasan ito sa pamamagitan ng pagpapakalat ng tamang impormasyon.

Kasalukuyang niluluwagan na ang COVID-19 restrictions sa Pilipinas, kabilang na rito ang pagbabalik ng mga estudyante sa face-to-face classes at pagtatanggal ng face mask mandates sa labas ng bahay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

MEASLES

OUTBREAK

UNICEF

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with