Korte ibinasura petisyong ideklarang iligal, terorista ang CPP-NPA
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Manila Regional Trial Court Branch 19 ang ang 2018 petition ng Department of Justice na i-"proscribe bilang terorista" abf Communist Party of the Philippines at New People's Army.
Ito ang naging resolusyon ni Presiding Judge Marlo Magzoa-Malagar nitong ika-21 ng Setyembre, 2022, kasabay ng ika-50 anibersaryo ng pagpapatupad ng Martial Law ng diktador na si Ferdinand Marcos Jr.
"Rebellion is rooted in a discontent of the existing order which is perceived to be unjust and inequitable to the majority, and favourable to the wealthy, ruling few," wika ng desisyon, Miyerkules.
"However, the CPP can only gain adherents for as long as the government remains insensitive to, and incompetent in addressing, the social realities of poverty and material inequality which bring with them the oppression of the marginalized."
JUST IN: Manila court has dismissed PH government’s petition to proscribe as terrorists the Communist Party of the Philippines and its armed wing New People’s Army. @PhilstarNews pic.twitter.com/doF6UtAPiu
— Kristine Patag (@kristinepatag) September 22, 2022
Ang naturang petisyon ng DOJ ay inihain noong Pebrero 2018 pa, kung saan ipinadedeklarang iligal na grupo't terorista ang CPP-NPA sa ilalim ng Section 17 ng Republic Act 9372 o Human Security Act.
Gayunpaman, na-repeal na ang naturang batas noong maipatupad ang Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.
Sa ilalim ng RA 9372, ina-apply ng DOJ ang petisyon para ideklarang "outlawed" at "terorista" ang isang grupo sa RTC, bagay na naibasura sa kasong ito.
Iba naman ang proseso sa ilalim ng Anti-Terror Law kung saan ia-apply ng DOJ sa Court of Appeals para matawag na iligal na teroristang grupo ang isang organisasyon.
Dati nang binansagang terorista ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Council sa ilalim ng R.A. 11479 ang CPP-NPA. Pero dahil designation lang ito at hindi proscription, hindi pa "outlawed" organization ang dalawa.
Matatandaang naging ligal ang CPP noong ma-repeal ang Anti-Subversion Law noong 1992 habang gumugulong ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng mga rebelde.
Sa kabila nito, nananatiling krimen ang rebelyon sa ilalim ng Article 134 ng Revised Penal Code, bagay na nangyayari sa tuwing nagasagawa ng sumusunod:
The crime of rebellion or insurrection is committed by rising publicly and taking arms against the Government for the purpose of removing from the allegiance to said Government or its laws, the territory of the Republic of the Philippines or any part thereof, of any body of land, naval or other armed forces, or depriving the Chief Executive or the Legislature, wholly or partially, of any of their powers or prerogatives.
Wika pa ng desisyon, dapat kasama sa hakbang ng gobyerno sa paglaban sa rebelyon ang pagrespeto sa karapatan sa "dissent" (hindi pagsang-ayon), due process at rule of law.
"Just as the respondent organizations are uncompromising in their ideals, so must the government be uncompromising in safeguarding the Constitution it is sworn to uphold," wika pa ng korte.
"As to the view that an observance of the dissidents' constitutional rights will jeopardize the security of the State, the exhortation is that 'the existence of danger is never a justification for courts to tamper with the fundamental rights expressly granted by the Constitution. These rights are immutable, inflexible, yielding to no pressure of convenience, expediency, or the so-called 'judicial statesmanship.' The legislature itself cannot infringe them, and no court conscious of its responsibilities and limitations would do so."
Dagdag pa nila, ang pagkilala ng gobyerno sa paglaban sa terorismo ay hindi lamang natatapos sa pagtapat ng pwersa sa pwersa, ngunit nangangailangan din ng komprehensibong approach gaya ng pulitikal, economic, diplomatic, military at legal means sa pagsukol sa ugat ng terorismo.
Umaasa rin daw silang matutugunan ng conflict management, post-conflict peace-building, pagsagot sa ugat ng tunggalian at pagpapaunlad ng ekonomiya ang "terorismo" at pinagmumulan nito, bagay na nasa declaration of policy ng R.A. 9372.
"Nothing is better attested by present realities than that terrorism does not flourish in a healthy, vibrant democracy," sabi pa nila.
"WHEREFORE, premises considered, the instant Petition is hereby DISMISSED."
Dati pang sinasabi ng CPP-NPA at mga progresibong grupo na hindi terorista ang dalawang pormasyon ngunit mga "rebolusyonaryo," na hindi tumatarget sa mga sibilyan ngunit layuning agawin ang gobyerno laban sa kontrol ng dayuhan (imperyalismo), kawalan ng lupa (piyudalismo) at paggamit sa gobyerno bilang negosyo (burukrata kapitalismo). — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag
- Latest