^

Bansa

King Charles III, bagong Hari ng Britanya

Pilipino Star Ngayon
King Charles III, bagong Hari ng Britanya
In this file photo taken on March 01, 2022 Britain's Prince Charles, Prince of Wales greets members of the public outside the Pier during his visit to Southend, eastern England. Charles has spent virtually his entire life waiting to succeed his mother, Queen Elizabeth II, even as he took on more of her duties and responsibilities as she aged. But the late monarch's eldest son, 73, made the most of his record-breaking time as the longest-serving heir to the throne by forging his own path.
JUSTIN TALLIS / AFP / POOL

MANILA, Philippines — Ang panganay na anak ni Queen Elizabeth II na si Prince Charles ang bagong hari ng ­Britanya, na tatawaging King Charles III.

Si King Charles, 73, ang magsisilbing head of state at pangungunahan ang 14 teritoryo ng ­Britain. Ang asawa niyang si Camilla ang magiging Queen Consort.

Sa isang pahayag, sinabi ni King Charles III na pinakamalungkot na yugto ng kaniyang buhay ang pagpanaw ng kaniyang inang si Elizabeth II.

“We mourn profundly the passing of a cherished Sovereign and a much-loved mother. I know her loss will be deeply felt throughout the country, the Realms and the Commonwealth, and by countless people around the world,” ani King Charles III.

Ipinanganak si King Charles III noong 1948 at opisyal na naging tagapagmana ng trono sa edad na 3-anyos.

Edad 20-anyos si King Charles III nang kilalaning Prince of Wales.

Bilang bahagi ng tradisyon ng pamilya, sumailalim si King Charles III sa military training sa loob ng limang taon.

Pinakasalan niya si Lady Diana Spencer, at nagkaroon ng dalawang anak na sina Prince William at Prince Harry.

Naghiwalay sila kalaunan, at pumanaw si Diana isang taon matapos ang kanilang diborsyo.

Kikilalanin namang Duke of Cornwall si Prince William, na susunod na tagapagmana ng trono. Ang asawa niyang si Kate ay kikilalaning Duchess of Cornwall.

Matatandaan namang tinalikuran na ni Prince Harry ang pagiging ­royalty matapos pakasalan ang aktres na si Meghan Markle.

Inaasahan na opisyal na ipoproklama si Charles bilang Hari, sa araw ng Sabado.

Isasagawa ito sa St. James Palace sa London sa harapan ng ceremonial body na kilala bilang Accession Council.

ELIZABETH II

KING CHARLES III

QUEEN ELIZABETH II

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with