^

Bansa

Pinsala sa imprastruktura dulot ng 'Florita' lumobo sa P571 milyon — NDRRMC

Philstar.com
Pinsala sa imprastruktura dulot ng 'Florita' lumobo sa P571 milyon — NDRRMC
Residents watch the overflowing Pinacanuan river due to heavy rains brought about by tropical storm Ma-on in Ilagan City, Isabela province on August 23, 2022.
AFP/Villamor Visaya

MANILA, Philippines — Lagpas kalahating bilyong pinsala na ang naitatala ng dahil sa nagdaang bagyong "Florita" sa sektor ng imprastruktura sa buong bansa, bagay na pinakadumurog sa Rehiyon ng Ilocos.

Sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Martes, pumalo na sa P571,100,000 ang total cost of damages sa infrastructure sa mga sumusunod na lugar:

  • Ilocos Region (P546,700,000)
  • Cagayan Valley (P24,400,000)

Maliban pa 'yan sa P13.02 milyong production loss at halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura, ayon sa konseho. Mas mababa ang figures ng NDRRMC kaysa sa Department of Agriculture, bagay na nakapagtatala na ng lagpas P1-bilyong pinsala.

Samantala, nasa 95 kabahayan naman ang nadali ng naturang bagyo, dahilan para bahagyang mapinsala ang 81 dito. Wasak na wasak naman ang nasa 14.

Sinasabing naapektuhan ang 131,235 katao dahil sa naturang bagyo. Kabilang diyan ang sumusunod:

  • patay (3)
  • sugatan (4)
  • lumikas sa mga evacuation centers (1,013)
  • lumikas sa labas ng evacuation centers (809)

Maliban sa Regions 1 at 2, naapektuhan din nito ang Central Luzon, CALABARZON, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.

Bumuhos naman na sa ngayon ang P7.7 milyong halaga ng tulong sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas para sa mga nasalanta sa porma ng family and hygiene kits, family food packs, tulong pinansyal atbp.

Bagama't naapektuhan ng bagyo ang Metro Manila at nasalanta ang ilang sakahan, una nang sinabi ng Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na hindi nakikita ng DA na magtataas ng presyo ng gulay sa Kamaynilaan.

Ika-24 ng Agosto nang lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) si "Florita," na siyang umabot noon sa severe tropical storm category. Sa kabila nito, maulan pa rin nitong mga nagdaang araw habang inoobserbahan ang Typhoon Hinnamnor na siyang papalapit sa PAR. — James Relativo

AGRICULTURE

DAMAGE

FLORITA

INFRASTRUCTURE

NDRRMC

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with