^

Bansa

27 milyong estudyante, balik-eskwela ngayon  

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
27 milyong estudyante, balik-eskwela ngayon   
Teachers and parents finalize classroom preparations in Malanday Elementary School in Marikina City, a week before the school year 2022-2023 officially starts on Aug. 22, 2022.
The STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Matapos ang dalawang taon, magbabalik-eskwelahan na ngayong Lunes ang mahigit 27.6 milyong mag-aaral sa bansa.

Sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 na inilabas ng DepEd, nasa 27,691,191 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.

Katumbas ito ng 100.47% o higit sa bilang ng naitalang datos mula sa enrollment ng SY 2021-2022, na umabot lamang sa 27,560,661.

Mula sa nabanggit na kabuuang bilang, 23,561,764 ang mula sa enrollment quick counts habang 4,129,427 naman ang bilang ng mga mag-aaral na mula sa early registration.

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 3,899,077, na sinusundan ng Region III (Central Luzon) na nasa 2,974,068, at National Capital Region (NCR) na nasa 2,851,022.

Anang DepEd, bagamat maaaring nagkaroon ng duplikasyon mula sa datos ng Early Registration at Quick Counts, ito ay agad namang matutukoy ng sistema sa umpisa ng School Year.

Ang enrollment period para sa SY 2022-2023 ay sinimulan noong Hulyo 25 at inaasahang magtatagal hanggang ngayong Lunes, na siyang unang araw ng pasukan.

LIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with