37 ‘Friends Rescued’ ng Philippines Army, nagtapos ng pag-aaral

MANILA, Philippines — Nagtapos na sa Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) ang nasa 37 mga tinatawag na “Friends Rescued (Frs) na nailigtas ng Philippine Army sa ilalim ng kanilang Project Good Life.

Tinanggap ng “FRs alumni” ng PA 53rd Infantry “Matapat” Battalion, ang kanilang mga diploma sa graduation ceremony noong Hulyo 29 sa San Miguel Municipal Gymnasium sa San Miguel, Zamboanga del Sur.

Ang ALS ay isang “parallel learning system” sa bansa na nagbibigay ng oportunidad sa mga “out-of-school youths and adults (OSYA)” na matapos kahit ang “basic education” ng DepEd. Kabilang sa natutunan nila ang pangunahing kaalaman at pagkakaroon ng daan para makumpleto ang mas mataas na edukasyon.

Sinabi ni 53IB Commanding Officer Lt. Col. Jo-ar Herrera na ang pagtatapos ang hudyat ng bagong pagsisimula sa buhay ng mga FRs.

“Congratulations to all of you [FRs]. This is another milestone in your lives. Remember what you have learned and be responsible and proactive citizens of our society,” ayon kay Herrera.

“With this, you are now more ready and more equipped to hurdle the challenges that lie ahead of you,” dagdag niya.

Ang “ALS for FRs” ay naisagawa dahil sa kolaborasyon ng 53IB at ng DepEd sa implementasyon ng Project Good Life.  Layon nito na maibalik muli sa sistema ng komunidad ang mga FRs sa pamamagitan ng kanilang “community extension service”.

Show comments