P3.8 milyong agri facilities, irigasyon winasak ng lindol sa CAR – DA

Pansamantalang isinara sa mga turista ang pamosong Calle Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur kasunod ng magnitude 7 na lindol.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Umaabot sa P3.8 milyong halaga ng agricultural facilities at irrigation systems ang nasira sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa naganap na magnitude 7 lindol sa Norte.

Kaugnay nito, inatasan na ng Department of Agriculture (DA) ang mga bureaus, attached agencies at corporations na tiyakin na may maibibigay na ayuda ang ahensya sa mga apektadong magsasaka.

Samantala, tiniyak naman ng National Food Authority (NFA) na mayroong sapat na suplay ng rice buffer para sa madaliang relief operations sa Regions 1 at 2 kahit may dalawang warehouse ng NFA sa Pidigan Abra at Candon City ang nasira dahil sa naturang lindol.

Matatandaang lima katao ang nasawi habang 131 ang nasugatan dahil sa “major quake” na tumama sa Abra nitong nakalipas na araw.

 

 

Show comments