PNP nag-apply para maaresto FB, Youtube users na pasimuno ng child exploitation

Law enforcement supplies are seen at the Department of Homeland Security new ICE Cyber Crimes Center expanded facilities in Fairfax, Virginia July 22, 2015. The forensic lab combats cybercrime cases involving underground online marketplaces, child exploitation, intellectual property theft and other computer and online crimes.
AFP/Paul J. Richards

MANILA, Philippines — Dumulog ang Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes sa korte at naghain ng aplikasyon kaugnay sa pagkuha nila ng impormasyon sa Facebook at YouTube users na target ang mga menor de edad para sa malalaswaang gawain.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, naghain ang Women and Children Cybercrime Protection Unit (WCCPU) ng PNP Anti-Cybercrime Group, kasama ang Manila regional trial court, ng aplikasyon  para sa pag-isyu nila ng warrant to disclose computer data (WDCD).

Anang WCCPU, pahihintulitan kasi sila ng naturang warrant na makakuha ng impormasyon mula sa FB at YT users na pasimuno ng child exploitation upang hainan sila ng "appropriate charges" sa korte.

Nito lamang Hulyo nang ibuko ni Sen. Risa Hontiveros ang YouTube channel na "Usapang Diskarte” na nagpapakita ng mga video kung papaano i-"groom" ang isang batang babae at kung papaano magkaroon ng sexual intercourse sa isang bata.

Dahil dito, binura ang Facebook at YouTube account ng naturang grupo sa tulong ng DOJ Office of Cybercrime.

CHR: 'Child exploitation is a heinous crime'

Nito lamang Huwebes nang tuligsain ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga social media page na nagtataguyod ng children exploitation.

“We reiterate that this is a heinous crime that tramples over the rights of minors, and causes lifelong consequences to victims and their families,” ani CHR executive director Jacqueline Ann De Guia sa isang pahayag.

Una nang nanawagan ang ahensya kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na lagdaan ang Anti-Sexual Abuse and Exploitation of Children Law na siyang magbibigay ng mas mahigpit na mga parusa at mag-uutos sa  mga internet provider na tanggalin o alisin ang mga website na nagpapakita ng mga pang-aabuso sa mga menor de edad.

Naisabatas ang panukala nitong Huwebes.

“This key legislation will strengthen the role of law enforcement in pursuing offenders as well as improve government coordination and response through the establishment of the National Coordinating Center against OSAEC under the Inter Agency Council against Trafficking (IACAT)," anang ahensya.

“[W]ith the law in place, CHR will be equipped with a stronger legal aegis to protect young people against child abusers and predators,” dagdag pa nila. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

Show comments