MANILA, Philippines — Kinilala ang Pilipinas bilang ikapitong best snorkeling destination sa buong mundo, base sa isang pag-aaral.
Sa report na isinagawa ng Bounce, isang kumpanya ng luggage storage, nagkasa sila ng pananaliksik sa dagat sa buong mundo at sinuri ang kanilang coral reef areas, bilang ng species ng isda at mga available na snorkeling tour na silang magiging basehan para makapasok sa naturang kategoriya.
Dagdag pa rito, sinuri rin ang iba pang salik tulad ng porsyento ng global plastic waste emission at sea temperature.
"The sea is one of the most beautiful views in the world. Exploring under the ocean is even more spectacular. There are stunningly bright coral reefs to swim through and excitingly unique animals to discover," saad nila sa kanilang website noong ika-18 ng Hulyo.
"Snorkeling allows us to recreationally observe and explore the alien worlds just under the ocean surface and it can also leave us with some lifelong memories."
Makikita ang mga pinakasikat na snorkeling destination sa bansa sa Palawan, Cebu, Batangas, Bohol, atbp.
Sa ginawang pananaliksik, nakakuha ang Pilipinas ng 36.38% sa global plastic waste emission at 3.03 sea temperatuare spread dahilan para makakuha ang bansa ng 6.69/10 score sa kanilang snorkeling rating.
Samantala, nanguna naman sa naturang listahan ang Australia na nakakuha ng 8.23 snorkeling rating.
Pasok din sa Top 10 ang bansang Maldives, United States of America, Cuba, Bahamas, Papua New Guinea, Indonesia, Fiji, at Micronesia. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles