Blended learning, ituloy - Pangulong Marcos

This photo shows a student attending her online classes under DepEd's distance learning, which began as a result of the coronavirus pandemic.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang pagdaraos ng blended learning na paraan ng pagtuturo sa mga paaralan pero sa mga piling lugar na lamang.

Inihayag ito ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte matapos iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng plano hinggil sa blended learning mode.

Gayunman, sinabi umano ng Pangulo na ang face-to-face classes pa rin ang dapat na ma­ging prayoridad at ang blended modality ay ikukonsidera lamang sa ilang ispesipikong paaralan at mga lugar na may special circumstances.

“The President agreed that a plan should be made (on blended learning mode) with a caveat that face-to-face classes shall be the ­priority and blended modality shall be considered only in specific schools and areas with special circumstances,” ani VP Sara.

Sa kabila rin ng panawagan ng mga grupo ng mga private schools na payagan silang i-adopt ang blended learning dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, desidido naman ang DepEd na ituloy ang implementasyon ng 100% face-to-face classes sa Nobyembre.

Sinabi ni Sara, na itutuloy pa rin ng kagawaran ang planong magdaos ng limang araw na in-person classes simula sa Nobyembre.

Itinakda ng DepEd ang School Year 2022-2023 sa Agosto 22, 2022 hanggang Hulyo 7, 2023.

Show comments