LTFRB aprubado P2 dagdag sa minimum na pasahe ng jeep simula Hulyo

Jeepney drivers on June 25, 2020 check their engine at Tandang Sora Jeepney Terminal in Quezon City.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pumayag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa hirit na P2 dagdag sa minimum na pasahe ng mga tradisyunal na jeep sa buong bansa.

Ito'y matapos hilingin  ng transport groups gaya ng 1-UTAK, PASANG MASDA, ALTODAP at ACTO ang umento sa pasahe matapos ang sunud-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo nitong mga nagdaang linggo at buwan.

"For Traditional Public Utility Jitney (PUJ) nationwide/across all regions are authorized to provisionally increase fare in the amount of one peso (P1.00) from the provisionally authorize fare of ten pesos (P10.00 for the first four (4) kilometers, but no increase in the succeeding kilometer/s," sabi ng LTFRB sa isang utos na pinetsahang ika-29 ng Huwebes.

"Thus, the provisional authorized fare is Eleven Pesos (P11.00) for the first four (4) kilometers."

 

 

 

Ngayong buwan lang nang aprubahan ng LTFRB ang pagtataas ng minimum na pasahe sa Metro Manila, Central Luzon at Calabaron patungo sa P10. Dahil sa bagong kautusan, dinagdagan ng P1 ang minimum na pasahe dahilan para maging P11 ito.

Magiging P2 naman ang dagdag sa iba pang mga rehiyon.

Samantala, pinayagan naman ang provisional authorized fare na P13 para sa unang apat na kilometro para sa mga modern public utility jitney sa lahat ng rehiyon. 

Magiging epektibo ang mga pagbabago sa pasahe bukas, ika-1 ng Hulyo. — may mga ulat mula kay Franco Luna

Show comments