Presyo ng harina tataas

MANILA, Philippines — Bagamat nananatiling sapat ang suplay ng harina sa bansa, inaasahan na ang pagtaas ng halaga ng produkto dahil sa tumaas na halaga nito sa world market, ayon sa Philippine Association of Flour Millers.

Sinasabing ang global price ng harina ay naging $500 per metric tons na mas mataas sa $300 per metric ton noong December 2021.

Ayon kay Ric Pinca, executive director ng PAFM, ang giyera ng Ukraine at Russia, export ban ng India at tagtuyot sa Estados Unidos ang naging ugat ng pagtaas ng presyo ng harina.

Anya, may 23 flour millers sa ating bansa ang nagbawas ng kapasidad dahil sa mataas na wheat imports.

“As far as the millers are concerned, we have enough warehouse capacity. In fact, our capacity to mill annually is six million metric tons. But we are only importing three million metric tons, roughly 50% because hindi kaya bilhin ng mga tao ‘yung magagawang harina,” sabi ni Pinca.

Dahil ang harina ang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay, asahan na anya ang pagtaas ng halaga ng pandesal at iba pang tinapay, cakes at pancit noodles.

Show comments