MANILA, Philippines — Nakahanda ang Nigeria na tulungan ang Pilipinas sa suplay ng langis, ayon kay Nigerian Ambassador to the Philippines Folakemi Ibidunni Akileye.
“Nigeria is ready to collaborate, do some work with the Philippines…We can [help]. I actually mentioned to the president-elect as well,” wika ni Akileye sa isang press conference pagkatapos ng kanyang courtesy visit kay President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Akileye, ang Nigeria na isa sa pinakamalaking producer ng langis sa mundo, ay makakatulong na patatagin ang suplay at presyo ng langis sa Pilipinas. Pangatlo ang Nigeria sa pinakamalaking producer ng natural gas sa mundo.
Pero binanggit din ni Akileye na wala pa namang pormal na planong nabuo tungkol sa posibleng pakikipagtulungan sa pagitan ng Nigeria at Pilipinas dahil kailangan pang tingnan ang mga “modalities.”
Una nang sinabi ni South African Ambassador to the Philippines Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe kay Marcos Jr. na ang kanyang bansa ay “bukas na tumulong” sa Maynila kung nais nitong kumuha ng mga produktong petrolyo mula sa Africa.