^

Bansa

Dagdag na P184-B pondo kailangan para 100% face-to-face classes 'ligtas' — party-list

Philstar.com
Dagdag na P184-B pondo kailangan para 100% face-to-face classes 'ligtas' — party-list
Students of Pedro Cruz Elementary School in San Juan City attend their first day of the limited face-to-face classes on Monday, December 06, 2021.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Hindi matitiyak ang "ligtas na balik eskwela" sa gitna ng COVID-19 pandemic kung kukulangin ang budget para sa Department of Education (DepEd), giit ng isang progresibong party-list group.

Sinabi ito ng Kabataan party-list matapos banggitin ni Education Sec. Leonor Briones na inaasahan niyang babalik ang lahat ng eskwela sa harapang mga klase sa Hunyo para sa school year 2022-2023.

"Despite the steep expectations set by Sec. Briones, we have no illusions that Sara Duterte will clean up the education disaster worsened by the criminal negligence of her father's administration," ayon sa Kabataan sa isang pahayag, Lunes.

"We reiterate that without sufficient budget allotment, clear guidelines and education aid, there is no guarantee for 100% face-to-face classes."

Bagama't pababa na ang COVID-19 cases at mahigit 200 kaso na lang ang naitatala araw-araw, napag-iwanan na raw nang husto ang kabataang Pinoy bilang isa sa mga huling 23 bansa sa daigdig na nagbukas ng silid-aralan simula pa noong 2020, ayon sa Commission on Human Rights (CHR).

Nobyembre 2021 pa nang ihain ni Kabataan Rep. Sarah Elago ang House Bill 10398 o "Safe Schools Reopening Bill," kung saan inestimang hindi bababa sa P184 bilyong karagdagang pondo ang kailangan upang masiguro ang 100% implementation ng ligtas at inclusive na F2F classes. Nakabinbin pa rin ito sa Kamara.

"Without funding, the declared time-table for school reopening will force school communties to turn to income-generating projects, privatization schemes, tuition hikes, loans, and other exploitative policies to keep up," dagdag pa ng party-list, na nakasungkit ng isang seat para sa 19th Congress.

"And even if 100% of schools were to shore up funds, not 100% of students will be able to return to schooling given discriminatory policies and absence of student aid... Kabataan Partylist intends to re-file and lobby the Safe School Reopening Bill as an urgent measure to address this problem."

Una nang sinabi ni Briones kahapon na aabot na sa 34,238 paaralan ang na-nominate para sa face-to-face classes.  33,000 rito ay mga pampublikong paaralan habang 1,174 naman daw dito ay mga pribadong eskwela.

Mayo lang nang madismaya ang DepEd dahil 5.47% pa lang ng mga pribadong paaralaan ang nagsasagawa ng face-to-face classes noon. Biyernes lang nang tanggalin ng pandemic task force ng gobyerno ang rekisitos sa mga college students ang pagkakaroon ng medical insurance para makalahok sa F2F classes.

Taong 2020 pa nang ihain ng Makabayan bloc ang House Bill 6832, na magmamandato sa COVID-19 "mass testing" para sa ligtas na balik-eskwela. Pending pa rin ang panukala sa Committee on Defeat COVID-19 Ad-Hoc Committee.

'Welcome development'

Sa kabila ng kakulangang naipunto ng Kabataan, positibo ang pagsalubong ng CHR sa panawagang ito ng DepEd — na siyang hahawakan ni vice president-elect at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay CHR executive director Jacqueline Ann de Guia, edukasyon ang "greatest equalizer" ngunit lalo raw itong nagpalaki sa agwat ng mahihirap at may-kayang pamilya. Marami sa mga klase nitong pandemya ay inilunsad online, habang marami ang walang pera para sa internet at gadgets.

"Thus, the Commission on Human Rights (CHR) fully welcomes the Department of Education’s (DepEd) recent urging on schools to implement at full capacity in-person learning," ani De Guia kanina.

"Ensuring every Filipino child's right to education grants them an opportunity to better their lives. It also bridges economic and social gaps – such as productivity, gender inequality, healthcare accessibility, and other issues – that hamper our nation-building."

Umaasa ang komisyon para sa tuloy-tuloy at "progresibong" expansion ng F2F learning, habang pinananatili ang mahigpit na pagsunod sa COVID-19 health and safety protocols. 

Sa huling ulat ng Department of Health, aabot na sa 3.69 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 simula nang makapasok ito sa Pilipinas. Sa bilang na ito, 60,455 na ang namatay.

DEPARTMENT OF EDUCATION

KABATAAN PARTY-LIST

NOVEL CORONAVIRUS

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with