^

Bansa

Suplay ng patatas, sapat – DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng patatas, sapat – DA
Inaayos ng ale ang mga bagong harvest na mga patatas na ibinibenta sa Baguio City Market. Kinumpirma ng Department of Agriculture na may kakapusan lang sa imported potato na ginagamit sa mga fast food French fries.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng patatas sa ating bansa, pagtitiyak ng Department of Agriculture.

Tanging ang patatas lamang na ginagawang french fries ng mga food chain ang apektado ng global shortage sa natu­rang produkto.

“Only potatoes for French fries affected by global shortage, local supply sufficient,” ayon sa DA.

“As far as the Department of Agriculture is concerned, our local potatoes, which unfortunately are not the variety na ginagamit for French fries [used for french fries], ay tayo naman ay very very much sufficient. Actually, surplus pa nga tayo [Actually, we have a surplus],” pahayag ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista.

Niliwanag ni Evangelista na ang patatas na ani sa Pilipinas o kilalang “table potato,” na nabibili sa mga palengke at pamilihan ay may kakaibang texture kumpara sa variety ng patatas na ginagawang french fries.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

PATATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with