Malacañang nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nasunog na barko

MANILA, Philippines — Nagpaabot kahapon nang pakikiramay ang Malacañang sa mga pamilya na nasawi ang mga kaanak sa nasunog na passenger vessel sa Real, Quezon kamakalawa.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, ipinagdarasal din ng Malacañang ang agarang paggaling ng mga nasugatan sa trahedya.

Tiniyak din ni Andanar na nagsasagawa na ng im­bestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) tungkol sa nangyari. Mas makakabuti aniyang hintayin ang magiging resulta ng imbestigasyon ng PCG.

Pito katao ang nasawi sa trahedya samantalang nasa 24 ang nasugatan nang masunog ang Vessel Mercarft 2 sa karagatan ng Real, Quezon.

Mula sa Polilio Island ang sasakyang pandagat nang magsimula ang sunog sa engine room.

Show comments