^

Bansa

‘Ituloy ang Malasakit Centers, pangangalaga sa kalusugan’ – Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang pagsunod sa kanyang pangako na palakasin ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng bansa, personal na nagsagawa ng monitoring visit sa Malasakit Center sa V‘Ituloy ang Malasakit Centers, pangangalaga sa kalusugan’ – Bong Goalenzuela Medical Center (VMC) si Senator Christopher “Bong” Go.

Dumalo rin siya sa groundbreaking ng isang apat na palapag na gusali sa ospital.

Makikita sa VMC ang 142nd Malasakit Center sa bansa at ang pangalawa sa lungsod, kasunod ng pagbubukas ng Malasakit Center sa Valenzuela City Emergency Hospital.

Sa kanyang pahayag, kinilala ni Go ang lahat ng medical frontliners sa kanilang sakripisyo at walang kapagurang serbisyo habang patuloy silang nangunguna laban sa pandemya.

Nangako siya na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng batas na makatutulong sa pagpapalakas ng kapasidad ng healthcare system sa bansa.

Si Go ang nagtaguyod ng Republic Act No. 11712 na nagbibigay ng mandatoryong patuloy na benepisyo at allowance sa mga pampubliko at pribadong healthcare worker (HCW) sa panahon ng pandemya ng COVID-19 at iba pang emergency sa kalusugan.

Nasaksihan din ni Go ang paglilipat ng suportang pinansyal na nagkakahalagang P50 milyon mula sa Office of the President patungo sa VMC para mas mapabuti pa ang serbisyo ng Malasakit Center nito.

Kaya naman umapela si Go sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang pagsuporta sa programa ng Malasakit Centers, kung paanong ang 151 operational centers ay nakatulong nang malaki sa mahigit tatlong milyong Pilipino sa buong bansa. Si Go ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act.

VMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with