^

Bansa

Pagharang sa kandidatura ni Marcos dumating na sa Korte Suprema

James Relativo - Philstar.com
Pagharang sa kandidatura ni Marcos dumating na sa Korte Suprema
Litrato ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. habang hinaharap ang kanyang mga tagasuporta sa kanilang miting de avance
Released/Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Dinala na sa pinakamataas na korte ng Pilipinas ang laban kontra sa kandidatura ni presumptive president Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. 

Ang petisyon sa Korte Suprema ay inihain ng kampo nina Fr. Christian Buenafe, et al. na una nang hiniling sa Commission on Elections kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Bongbong. Sa kabila nito, ibinasura ito ng Comelec noong nakaraang linggo.

"[A] candidate's putative election victory cannot subsequently cure his ineligibility," wika ng petitioners, Lunes, bagay na Martes lang isinapubliko.

"Elections are more than just a numbers game such that an election victory cannot bypass election eligibility requirements. The balance must always tilt in favor of upholding the rule of law."

Dahil hiling ng petitioners na:

  • ibaliktad o isantabi ng Supreme Court ang naunang resolusyn ng Comelec
  • ikansela o ideklarang "voice ab initio" ang COC ni Bongbong, na hindi siya talaga naging kandidato sa 2022 national elections
  • gawing permanento ang temporary restraining order laban sa Konggreso at pigilan silang i-canvass ang mga botong nakuha ni Bongbong

Una nang sinabi ng mga petitioner na "nag-falsify" ng COC si Bongbong nang igiit niyang pwede siyang tumakbo sa pagkapangulo kahit na disqualified na siya dapat. Iginiit kasi ni Bongbong na hindi pa siya nagiging liable para sa kahit na anong offense, na merong acessory penalty na "perpetual disqualification" sa public office sa ilalim ng Presidential Decree No. 1994.

Kaugnay pa rin ito ng kanyang 1995 conviction mula sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa ilang beses na na kabiguang hindi maghain ng income tax return. Hindi na rin daw siya dapat pinahahawak ng anumang posisyon sa gobyerno dahil sa paggawa ng krimeng may kinalaman sa "moral turpitude."

Kasalukuyang nangunguna sa partial and unofficial tally ng Comelec si Bongbong matapos umani ng umani ng 31.1 milyong boto, bagay na sinundan ni Bise Presidente Leni Robredo sa botong 14.82 milyon. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with