^

Bansa

Comelec rerenta na lang ng VCM kaysa bumili

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Comelec rerenta na lang ng VCM kaysa bumili
COMELEC staff assist early bird voters in Christ the King Seminary in Quezon City on May 9, 2022.
Philstar.com / Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Mas nais na lamang ng Commission on Elections (Comelec) na rumenta ng mga ‘vote counting machines (VCMs)’ kaysa bumili upang mapagkasya ang kanilang pondo.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, bukod sa kakula­ngan sa pondo na inilalaan sa kanila ng Kongreso, isang kunsiderasyon din nila sa pagrenta na lamang ay ang mabilis na pagbabago at pagtaas ng teknolohiya.

“Kasi ‘pag bumili tayo tapos after isang gamit ay may bago nanamang teknolohiya — parang cellphone, e ‘di ang mangyayari dun ibabalewala mo. Masyadong magastos,” paliwanag ni Garcia.

Nitong nakaraang halalan ng Mayo 9, nasa 1,867 VCMs ang naka-engkuwentro ng iba’t ibang uri ng problema na nagresulta sa pagkakaantala ng dire-diretsong botohan at mahabang pila hanggang sa magsasara na lamang ang mga ‘vo­ting precincts’.

Nasa 900 depektibong VCM naman ang naitala; 200 sa mga ito ay agad na napalitan ng araw ng eleksyon.

Katwiran ni Comelec acting spokesman John Rex Laudiangco, sobrang luma na ang mga makina na nasa siyam na taon na mula nang mabili ang mga ito.

Pinasaringan ni Garcia ang Kongreso sa pagbibigay sa kanila ng mababang pondo kum­para sa kanilang hinihingi para sa mas mataas na teknolohiyang halalan.

“Sana nandun ‘yung pagnanais ng ating kongreso na mabigyan din kami ng sapat na budget. Alam niyo po ‘yung nangyari kasi nung nakaraan kung kami ay humihingi ng sampung piso, binibigyan kami ng dalawa o tatlong piso, so kitang-kita niyo ‘yung difference ng kakulangan,” ayon sa opisyal.

VCM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with