^

Bansa

Eleazar: Pagsusumite ng listahan ng tricycle drivers sa fuel subsidy, palawigin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Eleazar: Pagsusumite ng listahan ng tricycle drivers sa fuel subsidy, palawigin
A gas attendant in Baseco Tondo, Manila on Tuesday, Feb. 15, 2022 oil forms implement another bigtime price hike on oil products.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga concerned government agencies na palawigin pa ang deadline para sa pagsusumite ng listahan ng mga tricycle drivers na kuwalipikadong makatanggap ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Ginawa ni Eleazar ang apela matapos na matukoy na nasa tatlong rehiyon pa lamang ang nakapagsumite ng mga pangalan ng mga tricycle drivers na kuwalipikadong makatanggap ng fuel subsidy.

Una nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang deadline para sa pagsusumite ng naturang listahan ay hanggang noong Biyernes lamang, Abril 29.

“Ako ay umaapela sa DILG na tumanggap pa ng listahan ng mga pangalan ng tricycle drivers na maaa­ring tumanggap ng fuel subsidy. Dapat lahat ng tricycle drivers na apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina ay mabigyan ng tulong ng gobyerno,” ayon pa kay Eleazar.

Nanawagan din siya sa iba pang local government units (LGUs) na magsumite na ng kanilang listahan.

“Kung sakaling pu­mayag ang DILG na magkaroon pa ng extension ng submission ng mga pangalan, ako ay nakikiusap din sa mga LGUs na gawin na agad ang listahan at ipasa na upang mapadali ang pagbibigay ng tulong sa mga tricycle drivers,” ani Eleazar.

Matatandaang nangako si Eleazar na ipaglalaban ang karapatan ng mga tricycle drivers sakaling palarin siyang magwagi sa 2022 senatorial race.

Target aniya niyang mabigyan ang mga ito ng mas marami pang benepisyo at tulong pangkabuhayan.

vuukle comment

FUEL SUBSIDY

TRICYCLE DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with