May 9, ideklarang ‘special non- working holiday’ — Comelec
MANILA, Philippines — Hiniling ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang ‘special non-working holiday’ ang araw ng eleksyon ?sa Mayo 9.
Sa ipinasang Resolution No. 10784 nitong Abril 28 ng Comelec en banc, nakasaad na may pangangailangan na gawing holiday ang halalan para higit na magkaroon ng oportunidad ang mga rehistradong botante na makaboto.
“[Comelec] hereby RESOLVES, to request His Excellency President Rodrigo Roa Duterte to declare ?May 9, 2022, as a special non-working holiday all throughout the country in connection with the National and Local Elections,” nakasaad sa resolusyon.
Noong 2019 mid-term elections, idineklara ng Pangulo na ‘special non-working holiday’ ang araw ng halalan na pumatak ?sa Mayo 13.
Tinatayang 67.5 milyong botante ang inaasahang boboto ?sa Mayo 9.
Sa naturang bilang, 65.7 milyon ang mga domestic voters o mga botante sa bansa at 1.8 milyong overseas voters.
- Latest