Rotary International District 3810 nagsagawa na ng DISCON, matapos ang 2 taon

MANILA, Philippines — Matapos ang dalawang taon na pagkakatigil dahil sa pandemya, muli nang idinaos ang Rotary International District Conference (DISCON) ng District 3810 sa Grand Ballroom ng Okada Manila kahapon.

Ang pormal na pagbubukas ng 2-araw na DISCON 2022 ay isinagawa ng District Executive Committee sa pangunguna nina District Governor Robert Koa, District Sec. Edwin Seymour Chui at ng mga Life Changing Presidents ng District 3810.

Ang DISCON ay isang taunang event kung saan nagtitipon-tipon ang daan-daang Rotarians mula sa 110 clubs sa buong distrito upang matuto at magsanay sa kanilang tungkulin sa Rotary.

Natigil ang pagdaraos ng District DISCON ng 2-taon sa kasagsagan ng lockdown bilang pagsunod sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Show comments