^

Bansa

Aika Robredo nagpapatulong sa NBI vs pekeng 'sex videos' niya

James Relativo - Philstar.com
Aika Robredo nagpapatulong sa NBI vs pekeng 'sex videos' niya
Makikita si Aika Robredo, anak ni 2022 presidential candidate VP Leni Robredo, sa litratong ito habang tumutulong sa kampanya
Mula sa Facebook account ni Aika Robredo

MANILA, Philippines (Na-update 5:51 p.m.) — Dumulong na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Aika Robredo — anak ni presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo — para maimbestigahan at matunton ang mga nagpapakalat ng mga online links sa mga pekeng sex videos niya online.

Ika-11 lang ng Abril nang kundenahin ng kampo nina VP Leni ang sari-saring URLs na nagkukunwaring may laman itong malalaswang video at larawan ni Aika, kahit wala naman talaga.

Kinumpirma ng kampo ni Robredo, Huwebes, na ika-18 ng Abril pa nang magpadala sila ng sulat kay NBI Cybercrime Division officer-in-charge Atty. Michelle Valdez para imbestigahan ang mga posibleng krimen at paglabag sa special criminal laws at Revised Penal Code kaugnay nito.

"The past few days have seen a sudden surge of uploads and posts in various blogs, porn sites and social media platforms that mislead the public and give the impression that our client has videos or photos allegedly showing her in a scandalous pose or act," ayon sa liham.

Dagdag pa ng sulat, nae-expose siya ngayon sa panunuya, abuso at harassment ng publiko lalo na't ginagamit ang kanyang pangalan sa mga video.
Umaasa si Aika na matutukoy ang taong responsable at puno't dulo nito sa pamamagitan ng mga kagamitan ng NBI. Agad din naman daw nilang pakakasuhan ang nabanggit.

"We are filing this not just for Aika, but for all those who could be victimized by these online predators. We will not stop until the perpetrators of this atrocious act are behind bars," ani Atty Pingki Bartolome, isa sa mga abogado ni Robredo.

"Your good office has the necessary tools and equipment to identify the first post, the username(s) and/or accounts, the sites or links and the IP addresses, and the identity/ies of the perpetrator(s)."

Nilakip din ni Bartolome ang preliminary list ng mga URL links na maaari raw magamit ng NBI sa imbestigasyon at posibleng prosecution ng may sala.

Kinukumpirma pa ng Philstar.com kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang ulat sa ngayon pati na ang mga detalye hinggil dito.

Matatandaang umani ng matinding batikos mula sa iba't ibang grupo gaya ng Gabriela at AWARE/Let Women Lead ang naturang online sexual harassment laban sa anak na babae ni VP Leni.

 

 

 

Marso lang nang sabihin ni VP Leni na nakakatanggap ng pambabastos ang kanyang mga anak, na panay mga babae gaya na lang nina Aika, Tricia at Jillian.

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa ulat na ito

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

AIKA ROBREDO

LENI ROBREDO

SEXUAL HARASSMENT

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with