^

Bansa

P203-B unpaid taxes ng Marcoses 'idagdag sa P200 oil price hike ayuda' — grupo

James Relativo - Philstar.com
P203-B unpaid taxes ng Marcoses 'idagdag sa P200 oil price hike ayuda' — grupo
May hawak na pera ang gasoline boy na ito habang nagkakarga ng langis sa sasakyan
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Para madagdagan ang P200 kada buwang ayuda ng gobyerno para sa mahihirap sa gitna ng oil price hikes, iminumungkahi ngayon ng isang grupong magmatigas ang gobyerno sa pagkolekta ng nasa P203.8 bilyong estate tax na hindi pa bayad ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kamakailan lang nang kumpirmahin ng Bureau of Internal Revenue na nagpadala sila ng written demand sa mga Marcos para mabayaran ang utang na na buwis na hindi pa rin nababayaran. Ang nabanggit na demand ay kailangang i-renew kada limang taon para maging collectible.

"Gamitin ng gobyerno ang poder at awtoridad nito para kolektahin na agad ang hindi binayarang buwis ng mga Marcos at gamiting pang-ayuda para sa pinakamahihirap," ani Anakpawis national president Ariel Casilao, Biyernes.

"The decision on the collection of the unpaid taxes worth P27 billion in 1993 became final and executory in 1997. What is preventing the government from enforcing the rule of law?" ... The Marcoses did every trick in the book to circumvent the law. Now, it's payback time."

Ang hindi pa bayad na estate tax ng mga Marcoses ay mas malaki pa sa P147.1 bilyong buwis na target ng gobyerno kolektahin mula sa produktong petrolyo ngayong 2022 — kasama na rito ang P131.4 bilyong fuel excise tax.

Una nang iminumungkahi ng mga mambabatas na isuspindi muna ang pangongolekta ng excise tax sa langis, para na rin mapababa ang presyo ng produktong petrolyo. Sa kabila nito, pinapalagan ito ng economic managers dahil aniya sa bilyon-bilyong mawawala sa gobyerno.

"Kahit suspindihin ang excise tax sa langis, mapapalitan pa rin ang mawawalang kita ng gobyerno kung kokolektahin na agad ang hindi binayarang estate taxes ng mga Marcos," dagdag pa ng Anakpawis leader.

"Even if the P203-billion is divided equally, each Filipino will get P1,816 each. May pagkukunan ng pondo para sa ayuda. Kailangan lang may political will ang gobyerno na singilin ang mga Marcos."

Sobra-sobra pa aniya ito kumpara sa P33.1 bilyong budget para sa unconditional cash transfer para sa bottom 50% ng mga pinamamahihirap, na katumbas ng 12 milyong pamilya.

Ang naturang P200 per month na ayuda na itinulak ng Department of Finance, na siyang aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay ipapamahagi tuloy-tuloy sa duration ng isang taon.

Kasalukuyang nasa ika-11 sunod na linggo na ng pagtataas ng presyo ng langis sa Pilipinas, bagay na ikinaaaray na ng mga motorista. Inaasahan din ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin bunsod nito.

Nakatakda namang maghain ng apela ang Anakpawis sa BIR at Presidential Commission on Good Government, na binuo para mabawi ang mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos, sa susunod na linggo para agad na makolekta ang P203 bilyon.

ANAKPAWIS

FERDINAND MARCOS SR.

FINANCIAL AID

OIL PRICE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with