MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang vice presidential aspirant sa lahat ng presidential at vice presidential candidates ng grand coalition para tapatan ang tambalan nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.
Sa ginanap na press conference, sinabi ni Rizalito David na kailangan na magkaroon ng iisang kandidato na maaaring itapat sa BBM-Sara tandem na namamayagpag sa mga surveys.
Ayon kay David, dapat na mag-giveway at magkasundo na lamang ang lahat ng presidential at vice presidential candidates at magkaroon ng common candidate.
Sa gagawing ito ng mga presidentiable at vice presidentiable, sambayanan ang makikinabang dahil mananatiling malaya ang bansa.
Kung sino aniya ang may mataas na survey at may napatunayan na maaaring ito ang kandidato na ilalaban.
Umaasa si David na makapagdesisyon ang mga kandidato kabilang na siya bago ang Comelec debate sa ?April 4.