Duterte: Ikarangal ang mga bumubuhay sa EDSA legacy

Sa mensahe ni Duterte sa ika-36 na anibersaryo ng People Power sinabi nito na nananatili pa ring malinaw sa alaala ng mga Filipino nang milyun-milyong Filipino ang nagtungo sa EDSA kung saan naibalik ang demokrasya na naging katapusan ng 21 taon diktaturya ni Ferdinand Marcos.

MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino na pahalagahan ang mga nagpapatuloy sa legacy ng People Power Revolution upang maging buhay ang demokrasya sa bansa.

Sa mensahe ni Duterte sa ika-36 na anibersaryo ng People Power sinabi nito na nananatili pa ring malinaw sa alaala ng mga Filipino nang milyun-milyong Filipino ang nagtungo sa EDSA kung saan naibalik ang demokrasya na naging katapusan ng 21 taon diktaturya ni Ferdinand Marcos.

“This celebration serves as a strong reminder that with unity, cooperation and faith, there is nothing that we cannot collectively achieve for the greater good of our country,” ani Duterte.

Pinuri rin ni Duterte ang mga nagtanggol sa demokrasya at ang mga matapat na nagsisilbi sa gobyerno.

Kinilala rin ni Duterte ang serbisyo at sakripisyo ng medical at essential frontliners na lumaban sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Binanggit din ni Duterte ang kabayanihan ng mga nagsasagawa ng mga rescue and relief operations tuwing may kalamidad.

Dapat aniyang tularan ang kanilang kabayanihan at hindi pagiging makasarili sa gitna nang pagbangon ng bansa sa kasalukuyang mga hamon para sa isang mas maayos na bansa.

Show comments