MANILA, Philippines — Tinitignan ngayon ng Commission on Human Rights (CHR) kung may nalabag sa karapatan ang kapulisan sa pag-aresto sa community doctor na si Natividad Castro, na pinararatangang miyembro ng komite sentral ng Communist Party of the Philippines (CPP) — isang grupong hindi naman iligal.
Biyernes nang arestuhin ng pulisiya ang 53-anyos na si Castro dahil sa reklamong "kidnapping" at "serious illegal detention" sa San Juan City. Sa kabila nito, kinekwestyon kung sang-ayon sa batas ang paraan ng paghuli sa doktora, na dating secretary general ng Karapatan-Caraga.
Related Stories
"There is an allegation that some [officers] are not in uniform, they were not properly identified. And then the force deployed is more than what is required... So we are looking into this, whether our arresting officers followed the rule of procedure," ani CHR chair Leah Armamento, Lunes, sa panayam ng ANC.
"We can file charges, administrative or criminal, against erring police officers, the team [who caught her]."
Kilala si Castro sa pagtatayo ng ilang Lumad schools at pagbibigay ng serbisyong medikal sa probinsya. Maliban dito, isa siya sa mga naging resource persons na nagsalita sa United Nations para ipakita ang human rights situation ng mga katutubo sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nang unang arestuhin, agad na inilayo si Castro sa kanyang pamilya't mga abogado. Sabado na nang ibulgar ni PNP public information office chief PBGen. Roderick Alba na inilipad ang akusado sa Bayugan City, Agusan del Sur. Linggo na nang sabihin ng Free Legal Assistance Group na nabisita na ang doktora ng dalawa niyang kapatid.
Matatandaang sinabi ng FLAG na ipinagkait ng pulisiya kay Castro ang kanyang mga gamot sa hypertension at diabetes, maliban pa sa hindi pagbibigay sa kanila ng kopya ng warrant of arrest.
Idinidiin ang doktora sa pagkidnap diumano sa miyembro ng CAFGU Active Auxiliary in Sibagat, Agusan del Sur noong ika-29 ng Disyembre, 2018. Maliban pa rito, pinuno raw ang akusado ng national health bureau ng partido komunista sa Barangay Libertad swa Butuan City.
Itinatanggi ito ng kapatid ni Castro at sinabing healthcare worker lang ang nabanggit na nagtatayo ng community health centers at programs sa Mindanao. Ang CPP ay iba pa rin sa armadong hukbo nito na New People's Army.
"[We] issue[d] an advisory on red-tagging. But if you will look specifically on Dr. Naty's case, they did not charge her for being a member of the CPP. She is charged for common crimes [kidnapping and illegal detention]," dagdag pa ni Armamento kanina.
"So that's why, it is non-bailable, 'yung kanyang charges."
Sa Philippine jurisprudence, tumutukoy ang red-tagging sa pagbabansag sa isang tao, organisasyon, atbp. bilang "maka-Kaliwa," "subersibo," "komunista," atbp. bilang stratehiya ng gobyerno laban sa mga diumano'y "kalaban ng estado."
'15-20 arresting officers sumalakay, ayaw magpakilala'
Sa panayam kay Menchi Castro, kapatid ni Dok Naty, bagama't nagpakita ng warrant of arrest ang mga pulis ay tumanggi ang mga nabanggit na magpakilala man lang o magpakuha ng litrato. Bukod pa rito, sandamukal na pulis din daw ang humarap sa kanila kahit na iisa lang naman ang hinuhuli.
"There were so many people, maybe 15 [to] 20 people. And they forced their way into our house," wika ni Menchi sa hiwalay na panayam habang kinekwento ang pag-aresto.
"Some of them went over our back wall and some of them pushed me from the gate... and they even destroyed our front door just to get into our house."
Nang sinubukan na raw ni Menchi na tawagan ang kanyang abogado, sadya raw siyang pinigilan ng mga pulis.
Sa sariling protocols ng PNP, pinagbabawalan ang "exessive use of force" at paggamit ng deadly weapons maliban na lang kung nagprepresenta ng malaking panganib ang isang suspek sa buhay ng mga police officers.
Ayon sa Police Operational Procedures at Rules of Criminal Procedures, kailangang "reasonable force" lang ang ilalapat.
Panawagan ng pagpapalaya
Kasalukuyang nananawagan ang UP-Philippine General Hospital Department of Family and Community Medicine, UP College of Medicine Class of 2004 at kabuuan ng UP Manila administration para palayain si Castro, lalo na't inilalaan lang daw niya ang kanyang karera sa paghahatid ng serbisyo medikal sa mga mahihirap sa Agusan atbp. bahagi ng Mindanao.
"We are all concerned in the UP Manila community including the UP College of Medicine and the Philippine General Hospital that another doctor practicing in the underserved areas where we have asked our graduates to serve is again being maligned and red-tagged," ayon sa UPM statement.
"We urge the UP Community and the Filipino people to support us in this call for ensuring the safety and welfare of Dr. Naty Castro. We embrace the Castro Family and pray for strength as they endure this difficult time of uncertainty and hardship."
Sinasabing nagtapos si Castro ng UPM College of Medicine Class of 1995. Sa kabila ng mga panawagan, sinabi ng CHR na wala sa kamay nila na manawagang palayain si Castro lalo na't discretion na raw ito ng korte.
Nananawagan naman ngayon ang Department of Health (DOH) sa ipagtanggol ang karapatan ni Castro habang dumadaan sa proseso ang kanyang kaso.
"All our citizens, health workers included, enjoy the constitutional guarantees of due process and presumption of innocence until proven guilty," ayon sa isang pahayag nitong Sabado.
"We trust our authorities to uphold these rights."
— may mga ulat mula kay Franco Luna