^

Bansa

Kulay-pulitikang mga ilaw sa Palacio del Gobernador, pinuna

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng mga pagpuna sa mga ilaw ng gusali ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila  na diumano’y  may ‘kulay-pulitika’ nagpasiya ang Commission on Elections na palitan na lamang.

Ipinaliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang Palacio del Gobernador ay hindi pagmamay-ari ng Comelec kundi nagrerenta lamang sila.

Nauna rito, may ilang indibidwal ang pumansin sa kulay pula at berdeng ilaw sa harapang bahagi ng gusali.

Ang mga nabanggit na kulay ay ang ginagamit na campaign colors nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang running mate na si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ipinaliwanag naman ni Jimenez, na walang kinalaman ang Comelec sa naturang kulay lalo’t nagrerenta lamang sila sa gusali.

“Pero [the concern] has been brought to our attention by a netizen and we felt that’s something we could do right away. So nakikipag-coordinate po kami sa Intramuros administration and I think they have consent to changing the lights. It’s nothing,” aniya pa.

Hindi naman umano batid ni Jimenez kung anong kulay ang ipapalit sa mga naturang ilaw.

vuukle comment

PALACIO DEL GOBERNADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with