Patuloy na paglilingkod sa publiko, tiniyak ng BH partylist

MANILA, Philippines — Nangako si House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon (BH) Rep. Bernadette Herrera na ipagpapatuloy ang paglilingkod sa publiko para mapataas ang pamumuhay ng mga Filipino.

Ito ang sinabi ni Herrera sa paglulunsad ng BH partylist para sa 2022 reelection campaign sa Quezon City.

Giit ng kongresista, ipagpapatuloy nila ang mission para sa pagbuo ng mahahalagang lehislasyon at pagbibigay ng social services sa mga nangangailangang pamilya sakaling palarin na mabigyan ulit ng tatlong taon na makapagserbisyo sa kongreso.

Inihayag naman ni Marlon Manalo l, 2nd nominee ng partylist ang kanilang campaign theme para sa May 9 elections na “Kapag pamilya ang inangat, buong bansa ay aangat.”

 

Show comments