PANOORIN: Isko Moreno sapul ng 'lumilipad' na turon sa Manila caravan

Makikita sa litrato na ito kung paano batuhin si 2022 presidential candidate Manila "Isko Moreno" Domagoso ng turon ng isang supporter matapos itong hindi kunin ng alkalde sa isang motorcade
Video grab mula sa TikTok account ni kenneth.andrew

MANILA, Philippines — Hindi nakailag sa lumilipad na merienda si 2022 presidential candidate Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso matapos tamaan ng ibinatong turon habang nasa isang kampanya sa Sampaloc, Maynila.

Sa viral TikTok video na ipinaskil ng isang @kennethandrew, ika-10 ng Pebrero, makikitang inaabutan ng turon ng isang supporter si Yorme habang nakikipagkamay ang huli sa mga tao kahabaan ng Maceda St.

Nang hindi kunin ni Isko ang caramelized na saging na nakabalot sa plastic, bigla itong ibinato sa alkalde dahilan para maging "direct hit" matapos ang insidente. Nakita ito ng isa sa mga kasama ni Domagoso sa caravan ngunit nginitian lang ang namatao.

"Ayaw mo turon, Yorme? Tapon ko ‘to sayo ????," sabi ng nag-post ng video na kasalukuhang may 2,764 likes at 455 comments habang isinusulat ang balitang ito.

@kenneth.andrew Ayaw mo turon, Yorme? Tapon ko ‘to sayo ???? #yorme #iskomorenodomagoso #fyp #godfirst ? Oh No - Kreepa

"[Bongbong Marcos supporter] ako pero, nabastosan ako sa ginawa sa mayor ng maynila," sabi ng komento ni  @itsanncherie sa TikTok.

"Ang Dami kong tawa!!! Ano ba naman kasi kunin yung turon. Malaki ng bagay na yun Sa nagbibigay. Binato tuloy!" sabi naman ni @mindandgames.

Ipinagtanggol naman ni @asiscruzdaniel ang alkalde at sinabing baka nag-iingat lang si Yorme sa posibilidad na may lason ang ibinibigay na pagkain ng taong hindi niya kilala.

Pinagkatuwaan naman ng mga netizens at naging meme na ang naturang video matapos ilang beses nang ni-repost, in-edit at ni—reupload sa Facebook, YouTube atbp. social media sites.

Biro ni @hypersai01, baka naman ayaw ni Isko ang ibinibigay na turon dahil baka makunat.

@hypersai01

Sayang yung turon

? original sound  - ????

Wala pa namang statement si Isko tungkol sa pagkain-turned-projectile as of press time.

Patuloy ang pangangampanya ngayon nina Isko Moreno, na isang dating aktor, kasama ang kanyang vice presidential candidate na si Willie Ong ngayong official campaign period na para sa 2022 national elections. — James Relativo

Show comments