Makabayan Bloc kasapi ng CPP-NPA-NDF – ex-rebels
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng apat na mga dating matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front na ang mga miyembro ng Makabayan Bloc o “KABAG” (Kabataan, Anakbayan, Bayan Muna, ACT, Gabriela) ay mga opisyal din ng CPP-NPA-NDF.
Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), pinatunayan at kinumpirma ng mga dating rebelde na sina Jeffrey Celis alias “Ka Eric”; Alma Gabin; Ariane Jane Ramos at Joy Saguino aka Ka Amihan, na sina Neri Colmenares, Satur Ocampo, Liza Masa at Teddy Casiño ng Makabayan Bloc ay mga operatiba umano ng CPP-NPA-NDF na kanilang nakikita sa mga Regional Committee meeting ng CPP-NPA-NDF.
Sa katunayan ay mayroon daw tatlong klase ng meeting ang CPP-NPA-NDF ito ay ang L1 na open meeting at kasama mga masa; L2, underground meeting at L3 CPP o party meeting.
“This is not red-tagging. KABAG is directed to the mission of the CPP-NPA-NDF” ang pataubin ang pamahalaan”, ani Gabin.
Ang mga mambabatas daw ng KABAG ang siya rin pinanggagalingan ng pondo at nakapanghihingi pa sa abroad.
- Latest