^

Bansa

Rose Nono Lin, 4 pa ipinaaaresto ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rose Nono Lin, 4 pa ipinaaaresto ng Senado
Rose Nono Lin in this picture from her Facebook page on Oct. 7, 2021.
Facebook / Ate Rose Lin

MANILA, Philippines — Dahil sa paulit-ulit na hindi pagdalo sa pagdinig kaugnay sa umano’y anomalya sa Pharmally Pharmaceutical Corporation, pinatawan ng “contempt’ ng Senado at ipinapaaresto ang ilang personalidad na sangkot dito kabilang si Rose Nono Lin.

Sa pagdinig ng Se­nate Blue Ribbon Committee, hindi dumalo si Lin sa ika-18th na pagdinig subalit ayon kay Gordon, chairman ng komite na ilang beses namamataan si Lin na umiikot para ma­ngampanya dahil tumatakbo itong kongresista sa Quezon City, subalit hindi nagpapakita sa Senado.

Bukod kay Lin, kabilang sa pinatawan ng contempt at pinag-utos ang agarang pag-aresto sina Sophia Custodio, Dennis Manalastas, Jayson Uson at Gerald Cruz habang sa kasalukuyan ay naka-contempt pa rin si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao.

Sinabi naman ni Blue Ribbon director general Atty. Noel Quimbo na nagpadala ng liham ang abogado ni Lin kung saan pinapaalam na ang kanyang kliyente ay mayroong gastric illnesses at mayroon din COVID-19.

Subalit tanong naman ni Gordon bakit nagdadahilan si Lin sa tuwing mayroong pagdinig ang kanilang komite.

Ang pagdinig ay kaugnay sa maanomalyang pagbili ng gobyerno ng COVID supplies sa Pharmally noong 2020.

BLUE RIBBON COMMITTE

PHARMALLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with