DepEd officials pwedeng magsuspinde ng klase

Sa memorandum ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang mga regional at division offices ay maaari ring magdesisyon kung gaano katagal ang ipapatupad na class suspension.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Education (DepEd) na ang mga opisyal ng regional offices (RO) at school division office (SDO) ng kanilang ahensiya ay maaa­ring magsuspinde ng klase ngayong panahong patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Sa memorandum ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang mga regional at division offices ay maaari ring magdesisyon kung gaano katagal ang ipapatupad na class suspension.

Gayunman, hindi aniya ito dapat na lalampas ng dalawang linggo.

Nagpaalala rin si San Antonio na dapat ding magsagawa ng kaukulang adjustments sa school calendar upang matiyak na ang bilang ng mga araw ng klase sa kasalukuyang school year ay sakop pa rin ng minimum na 220 days.

Ang mga pribadong paaralan naman ay maaaring magpatupad ng kahalintulad na direktiba kung mataas din ang COVID-19 risks sa kani-kanilang paaralan.

Nauna rito, nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamahalaan na magpatupad ng 2-linggong health break dahil mahigit 50% ng mga guro sa Metro Manila ay dumaranas ng flu-like symptoms.

Show comments