MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit ?6 bilyon ang halaga ng pinsala na idinulot ng bagyong Odette sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.
Pumalo sa ?2,030,803,044.17 pinsala sa agrikultura ang tinamo ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Central Luzon, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at Caraga.
Ang Mimaropa ang itinuturing na “most damage” sa agrikultura na may halagang ?1,008,321,930.27.
Ang pinsala naman sa imprastraktura ay naitala sa Mimaropa, Central Luzon, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Caraga na umabot sa ?3,999,252,642.04.
Ang Central Visayas ang may “most infrastructure losses” na umabot sa ?2,155,000,000.
Nasa ilalim na ng state of calamity ang Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga dahil sa matinding epekto ng bagyong Odette doon.