PNP, DTI nakatutok sa presyo ng bilihin

Ayon sa PNP Chief, alinsunod sa Sections 6 at 7 Republic ng Act 7581 o “The Price Act,” awtomatikong umiiral ang “price controls” sa mga lugar na idineklarang nasa “state of calamity.”
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — Matapos ang hagupit ng bagyong Odette sa bansa, inatasan naman ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang kanyang mga tauhan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo na i-monitor ang mga presyo ng mga pa­ngunahing produkto.

Ito ay para matulu­ngan ang Department of Trade and Industry sa pagpapatupad ng “price freeze” sa mga lugar kung saan umiiral ang state of calamity.

Sakop nito ang mga “basic goods” tulad ng bigas; mais; tinapay; sariwa at delatang isda; karne ng baboy, baka, at manok; itlog; gatas; gulay; “root crops”; kape; asukal; mantika; asin; sabong panlaba; panggatong; uling; kandila; at “essential” na gamot.

Ayon sa PNP Chief, alinsunod sa Sections 6 at 7 Republic ng Act 7581 o “The Price Act,” awtomatikong umiiral ang “price controls” sa mga lugar na idineklarang nasa “state of calamity.”

Nagdeklara na ang mga lokal na pamahalaan ng Camarines Norte, Cebu, Bohol at Negros Occidental ng state of calamity kasunod ng pananalasa ng bagyong “Odette”.

Show comments